Una sa Balita

Pekeng CIDG agent timbog sa Cavite drug bust

By
0 889

NABUKING ang pagkatao ng isang nagpakilalang ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) makaraang maaresto ng pulisya sa isang buy-bust operation sa Tanza, Cavite.

Kasong paglabag sa Sec. 5 ng Art. II ng RA 9165 at Usurpation of Authority ang isinampa laban sa suspek na si Emilio Guevarra, alyas Emil, 38, ng Phase 1 Block 15, Lot 15 Greenville Homes Brgy., Sahud–ulan, Tanza, Cavite.

Sa report ni SPO1 Roberto Lacas ng Tanza Municipal Police Station, dakong alas-7:30 nang gabi nang maaresto ang suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Sahud-ulan, Tanza, Cavite.

Nagsagawa ng buy-bust operations ang mga elemento ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Tanza police kung saan pakay ang suspek. Nadakip ito habang nasa aktong nakikipagtransaksiyon sa poseur buyer.

Nang arestuhin ang suspek, nagpakilala itong isang confidential agent ng CIDG, gayunman nang ibineripeka ay nalaman na hindi siya konektado sa naturang ahensiya.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, P500 na marked money, kulay pink na motorsiklo na walang plaka, CIDG ID at tatlong piraso ng uniporme.