Una sa Balita

Pekeng birth certificate sa kasal

0 314

Dear Atty. Claire: Atty. gusto ko po maliwanagan, ‘pag po ba nagpakasal at fake ang ginamit na birth certificate for a reason na menor de edad ang babae at gusto lmang maikasal may validity pa ang kasal na naganap?

Mavs

Mr. Mavs:

Kahit anong gawing paraan para lumabas na nasa tamanag edad ang ikakasal ngunit hindi naman pala sila 18 years old and above ay mananati­ling walang bisa ang kasal dahil ang edad ng ikakasal ay isang essential requirement na kapag hindi na-comply ay walang kasal ang kikilalanin.

Ayon sa Art. 2 ng Family Code of the Philippines:

Art. 2. No marriage shall be valid, unless these essential requisites are present:

(1) Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female; and

(2) Consent freely given in the presence of the solemnizing officer.

***

Art. 5. Any male or female of the age of eighteen years or upwards not under any of the impediments mentioned in Articles 37 and 38, may contract marriage.

Ang edad ng bawat ikakasal ay dapat na 18 years old and above. Kaya’t kung gagawa kayo ng fake na dokumento upang palabasin na nasa edad na ang ikakasal ay hindi pa rin magiging valid ang inyong kasal.

Mapapatunayan ang tunay na edad ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang birth certificate ma makukuha lamang sa PSA. Ngunit bago ma­ging malaya sa kasal na walang bisa ay dapat pa rin na ipawalang-bisa ito sa korte na siyang magbibigay ng hatol tungkol dito. Hindi pa rin maaaring makipagrelas­yon ang ikinasal kahit walang bisa ang kasal hanggat walang court order tungkol dito — ‘pag nagkagayun ay maaa­ring maging liable ang isa sa kasong concubinage o adultery.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8 922 0245/8 5142143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More