Una sa Balita

Pekeng abogado hanep sa yabang

0 200

Magandang araw sa mga katulad kong aba­ngers sa ‘Kapitbahay Mo I-blind Item Mo’. Ako nga pala si Robert M. Hindi ko akalaing magkakalakas ako ng loob na mag-email sa inyo at ibahagi ang nakakangitngit na style ng kapitbahay kong si Atty. H as in Hangin. Taga-Antipolo po kami ng kapitbahay ko siyempre.

Actually wala pang isang taon kong kapitbahay itong si Atty. H pero ang bilis niyang nagpakilala ng kagaspangan niya sa aming subdibisyon, lalo na sa aming mga kapitbahay niya.

Ganito po kasi ang kuwento kay Atty. H, madalas siyang mag-jogging sa aming lugar. Paroo’t, parito siyempre kaya maraming nakakakuwentuhan sa clubhouse ng aming subdivision katulad ko.

Andami niyang pabida, na napanalong mga kaso. Siyembre bilib ang mga ka-subdivision na­min at maging ako dahil mas dikit kami dahil nga magkadikit ang bahay namin kaya siyempre proud ako sa kanya.

Kanya nga lamang laking pagkadismaya ko nang minsang may dumating sa bahay nila at hinaha­nap siya ng isang grupo ng mga negosyante. Kinuha raw nila si Atty. H na mag-asikaso ng papel ng kanilang negosyo pero hindi na ito lumutang matapos mapasakamay niya ang milyong halaga ng mga pamba­yad sa mga ipoprosesong mga permit etc.,

Related Posts

Ang matindi pang rebelasyon ng grupo ay napeke raw sila ni attorney dahil hindi naman pala ito pasado sa bar exam, taliwas sa ibinibida niya sa amin. Naloko na dahil manggagantso pala si atty.

Hindi nila natagpuan si atty. sa ilang beses na pagpapabalik-balik nila sa aming lugar at may ba­lita akong nagtago na ito. Kaawa-awa naman ang mga negosyanteng nalansi ni atty.

Kung puwede lang pangalanan si atty. ay ginawa ko na para hindi na makapanloko pa pero baka naman nasa kalaboso na ito ngayong mga panahong ito.

Salamat Abante sa pagbibigay pansin sa a­king kuwento.

Sumasainyo,
Robert M. ng Antipolo

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy