Una sa Balita

Pekeng abogado, dentista timbog sa entrapment ng MPD

By
0 2,121

BUMAGSAK sa isinagawang entrapment operation ng Manila Police District(MPD) at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pekeng abogado at dentista sa magkakahiwalay na operasyon sa Tondo, Maynila at Caloocan City.

Nakadetine sa MPD-District Integrated Jail matapos isalang sa inquest proceedings ang suspek na kinilalang si Robert Consultado Cinco alyas “Atty. Robert Coa Cinco”, residente ng no. 25 Basilio St., Acacia, Malabon sa reklamong Robbery Extortion, Syndicated Estafa, Falsification of public Documents at Usurpation of Autho­rity at Use of Aliases.

Ayon kay Chief Insp. Rosalino Ibay, hepe ng MPD-District Police Intelligence Operations Unit, nadakip ang suspek nina SPO3 Dennis Insierto, PO1 Emerson Layug at PO1 Jocelyn Jacinto, alas 4:20 ng hapon sa loob ng isang fastfood chain, sa Zaragosa st. panulukan ng Road 10., Tondo, Maynila matapos tanggapin ang marked money na P100,000 mula sa mga complainant na sina Marjorie Guia at Ricardo Obrado Jr.

Samantala, nadakip ng NBI si Ronalyn Cruz-Tan na nagmamantine ng dental clinic sa Caloocan City na walang lisensiya at sertipikasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy