Una sa Balita

Peke ang ₱10,000 bill – BSP

By
0 2,844

WALANG inilalabas na P10,000 bill ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Inihayag ito ng BSP matapos na may nag-post sa Facebook page na ‘Filipino Secret Files’ na naglabas diumano ang BSP ng bagong P10,000. Si Pangulong Ramon Magsaysay at ang Mount Pinatubo ang inilagay na larawan sa pekeng pera at pirma ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at dating BSP governor Amado Tetangco Jr. ang ginamit.

Ayon sa BSP, anim na denomination lamang ang nilabas nila na New Generation Currency Banknotes: P1,000, P500, P200, P100, P50, at P20.

“The BSP has not produced and issued a 10,000-piso NGC banknote. The forgery of Phi­lippine banknotes as well as the use of possession of forged banknotes are punishable under the law,” sabi ng BSP.

Hinihikayat ng BSP na isumbong ng publiko sa pulis o sa National Bureau of Investigation ang anumang ma-encounter nilang pekeng pera para makasuhan ang mga taong nagpapalaganap nito.