Una sa Balita

Pedicab may prangkisa sa Manila

By
0 136

Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagrerehistro at pagbibigay-prankisa sa libu-libong pedicab na namamasada sa lungsod.

Sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada, nais nilang maalis o mabawasan na ang mga colorum na pedicab at maiayos ang pamumuhay ng mga lehitimong pedicab drivers.

Gayundin, magiging benipisyaryo na rin ang mga legal na pedicab dri­ver at operators ng mga libreng serbisyo at programa ng pamahalaang lungsod tulad ng libreng pagpapa-ospital at capital assistance, dagdag pa ni Estrada.

Ito ang unang pagkakataon na ipaparehistro ng pamahalang lungsod ang mga pedicab, ayon kay Julius Galang, hepe ng Manila Tricycle Regulatory Office (MTRO).

Nabatid na may 1,200 pedicab drivers ang na­bigyan ng identification cards at license plate mula nang simulan ang pagpaparehistro noong Agosto 5 sa District 5.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More