Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pedicab driver sinita sa face mask, bistadong may shabu

0 183

Diretso sa kulungan ang isang pedicab driver na sinita lang dahil walang suot na face mask, natapos itong makuhanan ng shabu sa Navotas City, Linggo ng hapon.

Bukod sa paglabag sa ordinansa kaugnay sa pinaiiral na health safety protocol, kinasuhan din si Arnold Barrios, alyas ‘Anot’, 42, residente ng Kadamay St., Brgy. NBBS dahil sa pagbitbit ng iligal na droga.

Kwento ni P/ Major Rommel Sobrido, hepe ng Northern Maritime Police Station, bandang alas -4 ng hapon, kasalukuyang nagsasagawa ng foot patrol ang kanyang mga tauhan malapit sa lugar ng suspek.

Nakita nila si Barrios na naglalakad sa kalsada ng mga pulis na walang suot na facemask. kaya nilapitan ito ng mga pulis para sitahin .

Habang papalapit ang mga pulis ay kumaripas ng takbo ang suspek hanggang sa malaglag sa kanyang bulsa ang dalawang maliit pakete na may lamang shabu.

Nakorner naman ng dalawang pulis si Barrios habang ang kasamahan nila ang dumampot sa nalaglag na shabu.(Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.