Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pedicab driver kinatay sa harap ng nobya

0 170

Kritikal ang isang pedicab driver nang pagsasaksakin ng kanyang kalugar habang siya ay naglalakad kasama ang kanyang nobya sa Malabon City nitong Huwebes.

Ginagamot sa Tondo Medical Center si Wilfredo Berediano, 31, naninirahan sa Barangay Tonsuya ng nasabing siyudad, sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kinasuhan naman ng frustrated murder si Harvey Dave De Leon, 20, na tumakas matapos ang pananaksak bitbit ang bladed weapon na ginamit niya.

Ayon sa ulat ng Malabon Police, bandang alas-1:20 kahapon ng madaling-araw, naglalakad sa kahabaan ng Villanueva St., Barangay Tonsuya si Berediano kasama ang nobya nito.

Tapos, biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabi’y pinagsasaksak niya ang biktima saka tumakas, habang nagsisigaw naman ang nobya ng huli na nakatawag-pansin sa mga taga-roon kaya dinala na ang biktima sa nabanggit na ospital.

Babae ang sinisilip na motibo sa pananaksak ni De Leon kay Berediano. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.