Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pedestrian todas sa salpok ng mini bus

0 182

NASAWI ang isang 53-anyos na lalaki habang sugatan ang kasama nito nang mabangga sila ng mini bus habang tumatawid sa Cavite City, Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Joselito Alarcon, ng 833 R. Basa St., Cavite City na namatay sa pinangyarihan ng insidente habang sugatan ang kasama nito na si Danilo Pinlac, nasa wastong edad

Hawak naman ng pulisya ang driver ng mini bus na si Loreto Rosunable, 47, taga-Amaya 1, Tanza, Cavite.

Sa ulat ni PSMSgt Jonathan Baclas, ng Cavite City Police, alas-4:45 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente habang tumatawid ang mga biktima sa H. Del Trabajo St., Cavite City nang mabangga sila ng minamanehong mini bus na may plakang DXR 157 ni Rosunable na galing sa P. Burgos Ave patawid ng H. Del Trabajo.

Sa lakas ng pagkakabangga, agad na nalagutan ng hininga si Alarcon habang nasugatan ang kasama nito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.