Una sa Balita

Pederalismo walang masamang epekto sa ekonomiya – Palasyo

By
0 1,061

PINAWI ng Malacañang ang mga agam-agam sa posibleng epekto ng pederalismo sa ekonomiya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, walang idudulot na masamang epekto sa ekonomiya ang pagpapalit sa porma ng pamamahala sa bansa.

Ipinaliwanag na aniya ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Ernesto Pernia na hindi pa rin mababago ang budget at ang mga national project ay isasalin sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng bawal lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga proyekto ang barangay maintenance road and bridge projects, water supply services, health centers, solid waste system at iba pa.

Magpapatuloy naman aniya ang national government sa pagpapatupad ng mga major project sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program pati na ang aspekto ng policy making ng pamahalaan.

Nauna rito lumabas sa survey na mayorya pa rin sa mga Filipino ang hindi sang-ayon sa planong pagpapalit sa sistema ng gobyerno.