Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pebrero turukan na! Duterte dumiskarte ng COVID vaccine

0 194

SA buwan ng Pebrero ay inaasahang magkaroon na ng supply ng bakuna ang Pilipinas, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, nilantad ni Roque na dapat ay sa Hulyo pa magkakaroon ng supply ng bakuna ang Pilipinas.

Ngunit aniya’y gumawa ng paraan si Pangulong Rodrigo Duterte para magkaroon na ng bakuna ang bansa sa susunod na buwan.

“Sa katunayan, ang bakuna ay dapat darating pa lang ng July, pero sabi ng Presidente, ‘nako ako’y inip na inip na’,” lahad ni Roque.

“Ilang tulog na lang po, magsisimula na tayo ng ating national vaccination program,” aniya pa.

Paliwanag pa ni Roque, hindi pa nahuhuli ang bansa sa vaccine rollout dahil kasabay lang ng ‘Pinas ang ilang bansa sa Southeast Asia sa pagkakaroon ng bakuna.

Kumpiyansa din ang tagapagsalita ng Pangulo na magiging ligtas ang bakunang makukuha ng bansa, isa na diyan ang China-made Sinovac.

“Sigurado po ‘yong Sinovac, kaya lang po, bagama’t darating siya, kung walang approval ng FDA [Food and Drug Admi­nistration], hindi rin natin maibibigay,” ayon kay Roque. “Pero meron pong inaasahan na bagama’t maliit lamang na galing po sa COVAX, ito po’y libre… at ang brand po ay Pfizer.” (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.