Una sa Balita

Peace talks sa NPA ni Inday Sara ok kay Digong

By
0 24

Suportado ni Pangulon­g Rodrigo Duterte ang inisyatiba ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na magkaroon ng local peace sa New People’s Army (NPA).

Ito ay matapos bumu­o ang alkalde ng local body para kumbinsihin ang mga rebelde na makipag-usap sa city government.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya handang isuko ang lahat dahil hangad niya ang kapayapaan para sa bansa.

Abante Hiring – IT dep

Kasabay nito hinimo­k ni Pangulong Duterte ang mga rebelde na sumuko na lamang sa gobyerno dahil wala talagang mangyayari kung patuloy na magmamatigas.

“We can talk continiousl­y with the left. I am not ready to give up everything and anything in the… in the altar of peace for our country,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaang nasaga­d ang pasensiy­a ng Pangulo sa Communist Party of the Philippine­s (CPP) kaya ipinatigil nito sa governmen­t peace pane­l ang pakikipag-­usap sa grupo ni CPP founding Chairman Jose Maria Sison­.