Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Peace talk sa NPA aksaya lang ng oras – PNP chief

0 29

Sinuportahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gene­ral Guillermo Lorenzo Eleazar ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na patay na ang usaping pangkapayapaan ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) matapos ang nakalipas na mga pag-atake ng mga rebelde.

Ayon kay Eleazar, ang pakikipag-usap sa mga rebelde ay pag-aaksaya lamang ng oras.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Napakaraming beses na nagkaroon ng pag-uusap at lumalabas na ang gobyerno pa nga ang laging dehado dahil matapos mapakawalan ang mga lider ng CPP-NPA-NDF na pinaghirapang hulihin as a gesture of sincerity, wala ring nangyayari,” ani Eleazar.

“Kaya nakikiisa kami sa pananaw ni Pangulong Duterte na isang malaking kalokohan na if we would resume the peace talks with them. Nakita naman natin na walang pinipiling lugar, panahon at biktima ang mga komunistang rebeldeng ito,” dagdag pa ng opisyal. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.