Una sa Balita

‘Peace diamond’ ng Sierra Leone nabenta ng $6.5M

By
0 76

Isang malaking diamante ang ibinenta ng gobyerno ng Sierra Leone sa Africa sa halagang $6.5 milyon nitong Lunes.

Ang 709-carat na bato, tinawag na ‘peace diamond’ at nahukay noong Marso lamang, ay itinuturing na pinakamalaking nadiskubre sa Sierra Leone sa halos kalahating siglo at sinasabing ika-sampu sa buong mundo.

Nadiskubre ng kompanyang pinamumunuan ni evangelical Pastor Momoh, ang diamante ay ibinigay sa gobyerno sa pag-asang ang mapagbebentahan nito ay magagamit sa infrastructure project­ sa lugar kung saan ito nahukay.

Ang British jeweler na si Laurence Graff ang nakabili sa diamante, ayon sa Martin Rapaport, ang grupo na siyang nagsubasta nito.

Dismayado naman ang ibang eksperto dahil tila hindi nakuha ng gobyerno ng Sierra Leone ang tamang presyo ng higanteng diamante nang maibenta ito kay Graff sa mababang presyo.

Ang illegal mining at bentahan ng tinatawag na ‘blood diamonds’ ang pangunahing sanhi ng kaguluhan sa maraming lugar sa Africa kabilang na ang Sierra Leone. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy