Una sa Balita

PDuterte may gift sa mga sundalo

By
0 6

Makatatanggap na ng regalo ang mga sundalo mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay DND Secretary Delfin Lorenza, mayroon ding ibibigay na munting Pamasko ang Pangulo sa tropa ng pamahalaan mula sa pinakamababang ranggo hanggang sa battalion commander.

Bagama’t tiniyak na ito ni Lorenzana, hindi naman nito inanunsyo pa kung ito ay cash at kung magkanong halaga o goods.

Ipinauubaya na ni Lorenzana sa mga ground commanders ang pagpapasya kung bibigyan ng pagkakataon ang mga sundalo na makapagbakasyon at makapiling ang kani-kanilang pamilya sa araw ng Pasko at Bagong taon.