PDU30 pupulungin ang mga senador ngayon

By

Nakatakdang maki­pag-usap ngayong Lunes kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na kasapi ng majority bloc upang alamin ang sitwasyon sa Marawi City, gayundin ang posibilidad ng extension ng Martial Law sa Mindanao.

Kinumpirma nina Senador JV Ejercito, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian at Richard Gordon na tuloy ang mi­ting nila ngayong araw kay Pangulong Duterte sa Malacañang.

Nauna nang isiniwalat ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na ang agenda ng pulong ay ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at ang prio­rity measures sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso. Pero posible ding matalakay ang Martial Law extension lalo pa’t matatapos na ang 60-day period ngayong Hulyo 22. 

SHARE