Una sa Balita

PDU30 pinapakilos kontra human trafficking

By ,
0 6

“Kailangan pang doblehin ng Administrasyong Duterte ang kanilang ginagawang pagkilos upang labanan ang kaso ng laganap na human trafficking sa Pilipinas.”

Ito ang pahayag ni Susan Ople ng Blas F. Ople Policy Center, isang non-government organization na tumutulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) matapos dumalo sa isang pulong balitaan sa Kamuning Bakery Cafe sa Kamuning, Quezon City kahapon ng umaga.

Ito’y upang mapanatili ang Tier 1 category ng bansa sa US State Department’s Trafficking-in-Persons (TIP) Report at ang pagiging natatanging bansang miyembro ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) na ka-linya ng Germany, Australia, Canada, at United States sa pag-iwas sa human trafficking.

Abante Hiring – IT dep

Ngayong taon, binigyang papuri ng US Government ang bansang Pilipinas para sa pagkakahuli sa karamihan ng mga human traffickers, pagkakakilala sa mga biktima sa pamamagitan ng proactive screening precedures, at pagsisikap na maiwasan ang trafficking ng mga mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Inihayag ni US Secretary of State Rex Tillerson sa opisyal na seremonya ng US TIP Report na sa Pilipinas, naging mala­king tulong ang pagsisikap ng gobyernong maresolbahan ang mga problemang kaugnay ng trafficking sa pagkakaroon ng imbestigasyon ng mahigit 500 na kaso nito at pagkakaaresto sa 277 suspect, na tumaas ng halos 80% mula noong 2015.
Pareho namang nananatili sa Tier 2 ang mga bansang Singapore at Indonesia.

Base sa mga ulat, kinakailangan pa ring magkaroon ang Pilipinas ng karagdagang pagsisikap para mas lalong higit na maiwasan ang susunod pang mga kaso ng forced labor trafficking at sex trafficking of men, women and children sa kabuuan ng bansa.

Inirerekomenda rin ang pagpapalawak ng mga aftercare services para sa mga biktima, gaya ng mga mental health programs and services para sa mga kalalakihan at mga kabataang nasangkot sa online sexual exploitation.

“In the same way that [US] presidential daughter, Ivanka Trump, is now actively involved in the fight against global slavery, we hope that [Philippine] presidential son, Baste Duterte, can be a visible champion against illegal recruitment and human trafficking,” ani ni Susan Ople.

Dagdag pa nito, ang mga operasyon laban sa human trafficking ay adbokasiyang parehong kinabibilangan nina Pangulong Duterte at US President Donald Trump.

Ayon sa anak at adviser ni US President Donald Trump na si Ivanka Trump, ang pagsugpo sa human trafficking ay isa sa mga panguna­hing polisiya ng Trump Administration, habang ang naturang programa naman ay siya ring sinasabing uunahin ni Pangulong Duterte na kanyang ipinahayag sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).

“I hope that Baste Duterte considers taking up the cause, especially as someone who hails from Mindanao where we have encountered several cases of human trafficking and illegal recruitment. He can do this even as a private Citizen,” giit ni Ople.

Sabi rin ni Ople, ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ay kinabibilangan ng mga secretary ng Department of Justice at Department Social Welfare Development (DOJ, DSWD)

“The policy and operational frameworks are there but we need a national champion to trigger interest and drive the advocacy while the DOJ and DSWD have their hands full with the all-out war against dangerous drugs and the ongoing hostilities in Marawi City” pahayag pa ni Ople.

Ipinahayag naman ni US Secretary of State Rex Tillerson ang bagong global initiative na ‘The Program to End Modern Slavery,’ para makatulong sa mga gobyerno sa iba’t ibang bahagi ng mundo laban sa modern-day slavery.

Inirekomenda rin ng Ople Center ang pagkakaroon ng joint anti-human trafficking agenda bilang bahagi ng bilateral talk na magaganap sa pagbisita ni US President Trump sa darating na Nobyembre.