Una sa Balita

PDU30: P6B pensyon ng mga beterano, ilabas na!

By
0 163

Ipinag-utos kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang paglabas ng P6-bilyong retirement pension para sa mga beterano ng World War II.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa pagtatapos ng kanyang talumpati sa ika-75 Araw ng Kagitingan na ginanap sa Mt. Samat National Shrine sa Bataan.

Ang direktiba ng Pa­ngulo ay sumasakop sa ­taong 2008 hanggang 2013 kung saan umaabot sa P6.421 bilyon ang mapupunta sa mga war veteran bilang kanilang retirement pension.

“I am directing the Department of Budget and Management (DBM) and Department of National Defense to expedite the early release of the AFP’s retirees pension credentials for fiscal years 2008 to 2013, in the amount of P6,421,000,000,” wika ng Pangulo.

Ang balita ni Pangulong Duterte ay sinalubong ng matinding palak­pakan ng mga beteranong dumalo sa nasabing komemorasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy