Una sa Balita

PDU30: De Lima, reyna sa impiyerno! De Lima: Kawawa naman, ‘di maka-move on!

By ,
Senator Leila de Lima at President Rodrigo Duterte (AP photos)
0 2

“Senyor Satanas, dumating na ang reyna na hinihintay mo.’ Eh totoo man.”

Ito ang patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Sen. Leila de Lima na dapat aniya ay maging reyna ng kaharian ni Satanas.

Ang naturang pahayag ay binanggit ng Pangulo sa harapan ng Filipino community sa Thailand nitong Miyerkules ng gabi.

Binanggit ng Pangulo na malamang ay mauna siyang matodas kay De Lima at kung may impiyerno man ay doon siya didiretso.

“Sigurado man, ‘pag sa edad, siyempre mauna ako, sigurado — wala naman akong ambisyon, impyerno talaga ako. Iyan ang totoo. Pero maghintay ako sa kanya, pagdating niya, sabihin ko talaga,” sabi pa ni Duterte.

Itinanggi naman ng Pangulo na pawang gawa-gawa lamang ang kaso laban kay De Lima na kasalukuyang nakapiit sa PNP Custodial Center bunsod ng kasong kinakaharap nitong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi sila nag-iimbento ng kaso.

“Kami pa ang kasalanan, si Vit Aguirre pa. Classmate ko iyan. Cum Laude iyan sa law school. Kami ba naman mag-imbento ng — I will never never never iyong ganoon lalo na kung babae mag-imbento ako ng istorya. Hindi talaga ako papayag sa ganoon maski dito sa Cabinet. Do not do it. Huwag iyan na mag-imbento ka ng kaso ganoon tapos no bail, pakulong mo. Ngayon, mag-isa siya,”dagdag nito.

Tinawag din ni Duterte si De Lima na makapal ang mukha.

“Alam mo, hinanahanap ko talaga. Wala akong na akong nakita sa Pilipinas, hinahanap ko ang babae na napakakapal ang mukha, siya lang. Alam mo, lapitan mo iyan, laslasan mo ng blade, hindi tatalab. Buhusan mo ng asido ang mukha, ganoon lang iyan. Balewala eh,” patutsada pa ng Pangulo.

Pero si De Lima na nakakulong ngayon sa PNP Custodial Detention Center sa Camp Crame matapos tadtarin ng ‘non-bailable’ na mga kaso ng Department of Justice (DOJ), naawa na lamang imbes na magalit sa panggigigil pa rin sa kanya ng Pangulo.

Sa kanyang handwritten statement, sinabi ng senadora na pinakulong na umano siya ng Pangulo pero tila hindi pa rin ito maka-move-on at hindi pa rin nakuntento bagkus patuloy pa ring siniraan ang kanyang pagkatao sa Filipino community sa Bangkok na kanyang dinalaw.

“The President again made libelous statements against my person before the Filipino community in Bangkok. Unsatisfied with the fact that he was already able to imprison me, he continues to destroy me before various audiences like a market fishwife and leaves no dignity whatsoever to the office he holds,” ayon sa senadora.

Dahil dito, ayon pa sa senador, naawa na umano siya sa Pangulo na patuloy na naniniwala sa kanyang mga kasinungalingan.

Kaya patuloy niya umanong dalangin na magkaroon ng milagro at mabigyan ito liwanag upang maligtas ito mula sa impyerno.

“I pity the President for believing in his own lies. I continue to pray for a miracle that during his visit in Thailand, the President will, during a lucid, Fentanyl-free interval, be enlightened in the peaceful ways, like the way Gautama Buddha achieved enlightenment,” ayon kay De Lima kasabay ng pagsasabing, “That might be too much to ask, but miracles do happen. This is my fervent prayer so that he may be saved from hell and so that Satan may be saved from his potty mouth. Kawawa naman si Satanas kay Duterte ‘pag nagkataon,” anang sulat-kamay na pahayag ni De Lima mula sa kanyang selda.