Una sa Balita

PDU30, binansagang ‘cheerleader’ ng drug war

0 68

Tinawag ng isang international human rights group si Pangulong Rodrigo Duterte na isang “cheerleader” sa nangyaring sunud-sunod na pagpatay sa hinihinalang sangkot sa ilegal na droga.

Sinabi ni Human Rights Watch deputy director for Asia Philem Kine na ito ang ipinahiwatig ni Duterte sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA).

Aniya, ang pahayag ni Duterte ay nagmimistulang naglalagay sa alanganin ng mga Filipino kung saan maaaring ilang inosenteng sibilyan ang basta na lang paratangang may kinalaman sa droga.

“As long as Duterte is a cheerleader for the summary killing of criminal suspects, the fundamental right to life of all Filipinos is at risk from state-sanctioned murder,” anang kalatas na nilagdaan ni Kine.

“President Duterte must publicly recognize that respect for rule of law and fulfilling the human rights of Filipinos extends to all Filipinos, including criminal suspects and those implicated in the drug trade,” dagdag pa nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy