Una sa Balita

PDU30: Anim na buwan pa

0 10

“Just give me little extension of maybe another six months. I did not have any idea that there were hundreds of thousands already in the drug business.”

Ito ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang press conference nito sa Davao City nitong Linggo ng gabi upang labanan ang isyu ng ipinagbabawal na droga sa bansa.

Sa kampanya ni Duterte bago ang eleksyon noong Mayo, ipinangako nito sa publiko na sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan ay matatapos ang isyu sa iligal na droga kapag siya ay nahalal.

“That self-imposed time of three to six months, I did not realize how severe the problem of the drug menace in this republic until I became president,” pag-amin pa nito.

Sinabi pa nito na dagdag pahirap pa sa isyu ay ang galamay na nagpapaikot mula sa gobyerno.

“What makes it worse is they are operated now by people in the government,” giit pa ni Duterte. “We have narco-politicians in the lowest government unit, which is the barangay. That will be the start of maybe our perdition and agony.”

Kaugnay nito, iniutos  ng Pangulo na hindi na maaaring magsilbing bodyguards  ang mga pulis sa mga barangay captain para matanggalan ng pangil ang village officials na sangkot sa bawal na gamot.

“If you’re afraid of being killed in rural areas with NPAs (New People’s Army), don’t run for public office. Find another occupation,” giit ni Duterte.

PNP hirap din

Nitong Biyernes aminado si Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa na mahirap para sa kanila ang maabot ang ambisyon ng Pangulo kontra iligal na droga.

“We have three months and 15 days remaining in our schedule. We are still on the right track, although I always say that I am worried that we might fail,” ani Dela Rosa.

Sa tala ng pamahalaan, mahigit sa tatlong milyon ang drug users sa bansa. Target ng PNP na madakip ang 1.8 milyon sa mga ito, ngunit nasa 700,000 pa lamang ang kanilang naaabot.