Una sa Balita

PDu30, 2-araw na working visit sa HK

By
0 1

Matapos ang matagumpay na biyahe sa Cambodia kung saan ito dumalo sa World Economic Forum (WEF), dumating noong Huwebes ng gabi (May 11) si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong para sa kanyang dalawang araw na working visit.

Lumapag ang Pangulo kasama ang opisyal na delegasyon sa Hong Kong International Airport bandang alas- 10:49 ng gabi kamakalawa.

Mainit na sinalubong ang Punong Ehekutibo ni Consul General Bernardita Catalla; So Pui-wan Fiona, Chief Officer Visits Section, Government Secretariat Protocol Division at Honorary Aide-de-Camp Louis Lau, Chief Police Inspector ng Hong Kong Police Force.