Una sa Balita

PDRRMO, PNP 24-oras nakaalerto sa Semana Santa

By
0 87

Inatasan kahapon ni Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Bulacan Police Provincial Office (BPPO) na maging alerto dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista at deboto ngayong Semana Santa partikular ang pagbuhos ng mga tutungo sa Grotto Shrine sa San Jose del Monte City, Divine Mercy Shrine sa bayan ng Marilao at sa kapilya ng Barangay Kapitangan sa bayan ng Paombong.

Ang kautusan ay ginawa ng gobernador upang matiyak ang seguridad ng publiko at 24-oras na maging alerto ang PDRRMO at Bulacan PNP dahil hindi inaalis ang posibilidad na sumabay ang masasamang elemento ngayong nagdadagsaan ang mga deboto sa mga simbahan at partikular na babantayan ang mga vital installations gayundin ang mga bus terminals, malls at mga matataong lugar tulad ng resorts.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy