Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PDP posibleng umampon ng presidential bet

0 170

Posibleng mag-adopt na lamang ang PDP-Laban ng ibang kandidate para punan ang binakanteng puwesto ni Senator Bong Go matapos mag-withdraw ng kanyang kandidatura sa pagka-pangulo.

Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles matapos mabakante ang puwesto ng presidente at bise-presidente ng ruling party para sa darating na eleksiyon.

Sinabi ni Nograles na isa sa mga posibleng option ng partido ay mag-adopt ng presidential candidate at ikukunsulta ito sa kanilang mga kapartido.

“Dahil wala ng substitution, not possible anymore, then ang option namin is to adopt. Hintayin natin ang magiging desisyon ng partido pati ng ating mga kapartido,” ani Nograles.

Kaugnay naman sa kahandaan ni Manila Mayor Isko Moreno sakaling siya ang gawing guest candidate ng PDP-Laban, sinabi ng kalihim na mag-uusap muna ang partido at magpapasya kung ano ang makikitang options para sa 2022 elections. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.