Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PDP maghahabol ng presidential bet – Sotto

0 215

Naniniwala si Senate President at Partido Reporma vice presidential bet Vicente ‘Tito’ Sotto III na intensyon ng PDP-Laban Cusi faction na magpasok ng kandidato sa pagka-pangulo sa Mayo 2022 election matapos umatras ang kanilang kandidatong si Senador Bong Go.

“Siguro ang hinahabol nila (PDP) kasi isang puwesto lang, hinahabol nila makapaglagay sila ng presidential candidate,” pahayag ni Sotto kaugnay sa paghahain ng PDP sa pamamagitan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ng petisyon para muling buksan ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga nagnanais kumandidato para sa 2022 election.

Ayon kay Sotto nangangamba ang ilang nitong kasamahan na posibleng maging sanhi ng pagkaantala ng eleksiyon ang gustong mangyari ng PDP.

“Ang pangamba naman ng mga kasama namin na made-delay kung bubuksan mo lahat pero kung bubuksan mo sa isang posisyon lang kaya nila ‘yon bago sila magdeadline, meron silang deadline hanggang ngayon nga ‘di pa sila tapos sa nuisance candidate kung talagang gusto kaya hanggang Monday,”reaksyon pa ni Sotto. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.