Una sa Balita

PDEA sa MTRCB: ‘Amatz’ i-ban

0 168

HINILING ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-ban ang awiting ‘Amatz’ ng rapper na si Shantie Dope dahil sa ineengganyo nito ang paggamit ng marijuana.

Nanawagan din ang PDEA sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), at sa ABS-CBN Corporation at iba pang media stations na huwag patugtutugin ito sa ere.

Sa ipinadalang liham ni PDEA Director General Aaron N. Aquino nitong May 20, sa mga nabanggit na tanggapan at network, at sa iba’t ibang media stations, ipinaliwanag niya na ang chorus ng nasabing awitin na tumutukoy sa ‘Lakas ng amats ko, sobrang natural, walang halong kemikal’, at ang lyrics na nagsasabing “Ito hinangad ko; lipadin ay mataas pa sa kayang ipadama sa’yo ng gramo, ‘di bale ng musika ikamatay,” ay tila ipino-promote pa nito ang paggamit ng marijuana.

“It appears that the singer was referring to the high effect of marijuana, being in its natural/organic state and not altered by any chemical compound. We respect and appreciat­e our artists in the music industry, however, we strongly oppose the promotion of musical pieces or songs that encou­rage the recreational use of drugs like marijuana and shabu. It is contrary to our fight against illegal drugs,” giit ni Aquino.

Binigyang-diin ng PDEA chief na sa pag-eere ng awitin ay tila inilala­rawan nito na ang paggamit ng iligal na droga ay hindi nakakapinsala na posibleng ikalito ng mga kabataan at sa kanilang pang-unawa ay hindi masama ang paggamit nito.

“This runs contrary to Duterte’s administration crusade against illegal drugs,” dagdag pa ng PDEA chief.

Bukod pa dito hiniling din ng opis­yal ng PDEA na huwag din patugtugin sa ere ang mga kanta o awitin na kaparehas nito. (Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy