Una sa Balita

PDEA ‘di tumimbre sa ₱7B shabu – BOC

By
0 1,483

KAKULANGAN ng koordinasyon o ‘intelligence gap’ sa pagitan ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nakikitang dahilan kung kaya’t nakalusot ang halos P7 bilyong halaga ng shabu shipment na pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, hindi inabisuhan ng PDEA ang kanilang ahensiya sa mga intelligence report na natatanggap nito na may bulto-bultong shipment ng shabu sa bansa.

Mahalaga aniya ang impormasyon dahil kung maagang naiparating ito sa BOC ay agad na maaalerto ang lahat ng mga kargamento sa tamang ­panahon.

Ngunit iginiit naman ng PDEA na “hilaw” umano ang kanilang natanggap na mga impormasyon na kinakailangan pang iberipika bago ipagbigay-alam sa iba pang mga ahensiya.

Gayunman, tiniyak ni Lapeña na sa kabila ng nangyari ay hindi hahayaang masira ang relasyon ng BOC at PDEA. 

Sa ngayon, isang malalimang imbestigasyon ang ginagawa ng ahensiya kung saan tinukoy nito ang SMYD Tra­ding na siyang consignee umano ng shabu shipment.