Una sa Balita

PCUP caravan aarangkada na sa Malabon

0 301

Sa layuning mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga taga-Malabon, aarangkada na ang Presi­dential Commission for the Urban Poor (PCUP) caravan sa lungsod ng Malabon sa pangunguna ng nasabing ahensya kasama ang Kakampi sa Pagbabago na sina Congressman Ricky Sandoval at Vice Mayor Jeannie Sandoval na gaganapin bukas sa Tinajeros Covered Court sa Brgy. Tinajeros.

Nasa 2,000 na residente sa Malabon ang inaa­sahang makatatanggap ng libreng medikal at dental misyon, libreng pamamahagi ng gamot, libreng legal assistance, lokal at internasyunal na trabaho at oportunidad, tulong sa pagpaparehistro ng negosyo, pagpaparehistro ng motor at driver’s license, at marami pang iba. Ang mga sumusunod na ahensya kagaya ng Department of Health (DOH), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Public Attorney’s Office (PAO), Land Transportation Office (LTO), Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI) and Philippine Statistics Authority (PSA) ay kabilang sa nasabing caravan.

“Pinagsama-samang Serbisyo Para sa Tao, iyan ang misyon na pa­tuloy na tutugunan nitong one-stop shop na serbisyo mula sa pamahalaan. Dahil dito, mas maiintindihan ng mga taga-Malabon ang mga program ng PCUP gayundin ang serbisyong hatid ng iba’t ibang ahensya.

Magandang oportunidad ito upang mas mailapit sa tao ang mga serbisyong pangkalusugan, kabuha­yan, edukasyon at marami pang iba,” wika ni Vice Mayor Jeannie Sandoval.

Alinsunod sa Executive Order No. 82, ang PCUP ang magsisilbing tulay ng maralitang taga-lungsod sa pamahalaan sa pagbuo ng mga polisiya at pagpapatupad ng mga proyektong tutugon sa kanilang mga panga­ngailangan.
“Itong caravan na ito ay magbibigay tugon sa pangangailangang medikal, ligal, edukasyon, kabuhayan ng mga mara­litang nating kababa­yan.

Nagpasalamat ako kay PCUP Chair Alvin Feliciano gayundin sa ibang ahensya ng pamahalaan sa oportunidad na kanilang ibinibigay sa mga taga-Malabon,” dagdag ni Congressman Ricky Sandoval.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy