Una sa Balita

PCSO officials bakbakan sa magarbong Christmas party

By
0 391

Inupakan ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Jose Jorge Corpuz ang kaniyang board member na si Sandra Cam dahil sa paninira umano nito sa kanilang ahensiya kaugnay sa magarbong Christmas party nila sa EDSA Shangri-La.

Aniya, naging negatibo ang epekto sa mga empleyado ng ahensiya ang ginawang pagsisiwalat ni Cam sa kanilang Christmas party. Sinisira na umano ni Cam ang kanilang ahensiya.

Naniniwala rin si Corpuz na dahil sa isyung ito ay maaaring mabawasan ang kita nila sa Small Town Lottery o STL.

Paliwanag pa ng opisyal na makatuwiran naman umano ang ginastos nilang P6 milyon sa party para sa nasa 1,500 na empleyado ng PCSO na aniya’y puspusang nagtrabaho para sa ikatataas ng kita ng ahensiya.

Tiniyak pa ni Corpuz na may mga resibo ang lahat ng kanilang ginastos.

Una nang ibinunyag ni Cam na inabot umano ng P10 milyon ang halaga ng ginastos para sa nasabing Christmas party. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy