Una sa Balita

PCSO may penetensya rin

0 195

PANSAMANTALANG ihihinto ng pamunuan ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office(PCSO) ang pagbebenta ng tiket at raffle draw ng lahat ng lotto games simula Huwebes Santo hanggang Linggo ng pagkabuhay.

Ito ay kasunod ng pagpapanata ngayong panahon ng Semana Santa na kung saan ay ihihinto pansamantala ang pagtataya sa lotto at pagbebenta ng tiket at pagbola.

Samantala, regular pa rin ang lotto draw sa Lunes Santo hanggang Miyerkules Santos at hinto na sa Huwebes hanggang Linggo.

Magpapatuloy ang lotto draw sa Lunes, Abril 22. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy