Una sa Balita

PCSO Maiden trial race lalarga

By
0 325

IKAKASA ngayong araw ng Biyernes ang trial race ng PCSO Special Mai­den Race (3YO Open) sa Metro Turf Club Inc. sa Malvar, Batangas.

May 10 tigasing bagitong kabayong kasali, pagkatapos ng takbo ay magkakaroon na ng idea ang mga karerista kung sino ang kanilang tata­yaan paglarga ng nasabing stakes race sa April 27 sa parehong lugar.

Tiyak na todo paghahanda ang gagawin ng mga trainer dahil may tumataginting na P800,000 premyo para sa may-ari ng unang kabayong tatawid sa meta.

Nakalaan ang P250,000 sa second at P150,000 sa third habang mag-uuwi ng P75,000 ang breeder ng winning horse.

Ang mga kasali ay sina The Believer, Senorita Mariz, rhea’s Choice, War Commander, Weather lang, Ready Player, Sir Joaquin, Ava’s tale, My Lovely yana at Santiago’s Pride.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy