Una sa Balita

PCSO kumita lang ng P350M sa STL at hindi P5B

0 5

Pinabulaanan ni Gaming Consultant Charlie Atong Ang ang ginawang pagyayabang ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) na kumita ito ng P5B mula sa expanded Small Town Lottery (STL) sa loob lamang ng nakalipas na limang buwan.

Ayon kay Ang, malinaw na panlilinlang ang ginagawa ng mga opisyal ng PCSO dahil ang katotohanan umano ay P350M lamang ang kinita ng PCSO sa STL taliwas sa pahayag ni PCSO General Manager Alexander Balutan na dumoble ang kinita sa STL mula sa P2.066 noong 2016 ay naging P5.018 mula Enero hanggang Mayo.

“With General Manager Balutan’s statement, niloloko lang niya ang gobyerno. I’m challenging them to show the breakdown and I will prove that they are sugarcoating the actual sales of STL.” pahayag ni Ang.

Giit ni Ang na mahina ang pamamalakad sa PCSO nina Balutan at PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz na kapwa mula sa Philippine Military Academy Class ‘82 kaya maliit lamang ang kinikita ng ahensya, aniya, dapat isang expert na may malawak na koneksyon sa gaming business ang dapat na iupo sa ahensya upang ma-maximize nito ang kita.