Una sa Balita

PCSO GM may ₱30M monthly sa mga jueteng lord — Ping

By
0 860

KUNG sino man ang susunod na uupong general manager ng Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay hindi dapat masilaw sa suhol ng mga jueteng lord kahit na alukin siya ng P30 mil­yon kada buwan at karagdagang biyaya mula sa mga operator ng small town lottery (STL).

Ito ang ipinahayag na kwalipikasyon ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson sa pagpili ng panibagong pinuno ng PCSO matapos tanggalin sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired ge­neral Alexander Balutan dahil sa diumano’y pagkakasangkot nito sa korapsyon.

“Anybody who can resist at least Php 30M per month in bribe money plus other bigger perks from STL operators who are also the biggest ‘jueteng’ lords may be qualified to be the next PCSO general manager,” ayon sa tweet ni Lacson.

Dating kalaban ng PCSO ang mga jueteng lord subalit noong 2005, inintrodyus sa administrasyon noon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang STL.

Karamihan sa mga operator ng STL ay mga jueteng lord din. Ilan sa naging isyu dito ay naging ligal ang operasyon ng mga jueteng lord subalit hindi naman nagreremit sa PCSO ng saktong kinita nila sa operas­yon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More