Una sa Balita

PCSO bukas sa imbestigasyon

By
0 311

INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) na bukas sila sa pag-iimbestiga kaugnay sa mga alegasyon sa loob ng tanggapan.

Ayon kay Atty. ­Marissa Medrano, PCSO spokesperson, nanindigan ang PCSO sa halaga ng professionalism kaya wala silang itinatago at handa silang harapin ang anumang imbestigasyon para malinis lamang ang kanilang tanggapan.

“Nakahanda ang PCSO sa anumang imbestigasyon na ibibigay sa mga opisyal at mga miyembro nito,” ayon kay Atty. Medrano.

Paliwanag ni Medrano na hindi sasantuhin ng PCSO Governing Board ang sinumang nagkakasala, nasa posisyon man o rank and file employees na sangkot sa graft and corrupt practices lalo na kung public funds ang isyu ay talagang mananagot sila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy