Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PCR test sa mga bakunadong pasahero galing abroad binasura

0 74

INALIS na ang InterAgency Task Force (IATF) ang requirement para sa negatibong resulta ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test ng mga Pilipino at mga dayuhang papasok sa Pilipinas epektibo sa Mayo 30, 2022.

Ito ang inianunsiyo ni Deputy Presidential Spokesman Kris Ablan kasunod ng bagong protocol na inilabas ng IATF sa kanilang resolusyon nitong Huwebes.

Ayon sa resolsusyon, hindi na kailangang magpakita ng negatibong RT-PCR test result ang lahat ng pasaherong papasok sa bansa edad 18 pataas basta may booster shot na ang mga ito laban sa COVID-19.

“Foreign nationals aged 18 and above shall be exempted from the pre-departure testing requirement provided that they have received primary series of COVID-19 vaccine, at least one COVID-19 booster shot,” ani Ablan.

Exempted din sa pre-departure RT-PCR test ang mga batang edad 12-17 na nakatanggap na ng dalawang bakuna laban sa COVID-19 at mga batang edad 12 pababa na kasama ang mga magulang o guardian na fully vaccinated at may booster shot. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.