Una sa Balita

PCOO, DILG sanib-puwersa sa fake news

0 1,083

Mas makakaiwas na sa fake news ang sambaya­nan hanggang sa mga liblib na lugar sa buong bansa.

Ito ang kampanteng pahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar matapos ang 3-araw na kauna-unahang National Information Convention na ginanap sa Davao City.

Sinabi ni Andanar na sa pamamagitan ng 1,800 mga information officers ng Pilipinas, tiyak na maipapakalat sa buong bansa ang mga programa at proyekto ng gobyerno upang maiwasan na rin ang mga disinformation, misinformation at higit sa lahat ang fake news.

Ayon kay Andanar, maliban sa 1,800 na mga information officers, armado na rin ng modern technology ang Presidential Communications Ope­ration Office tulad ng mga napagandang pasilidad ng government TV at radio stations at online sa pamamagitan ng Philippine News Agency at Philippine Information Agency.

Maliban dito, sinabi ni Andanar na magiging katuwang na rin ng PCOO ang Department of Interior and Local Government sa pagpapakalat ng mga tamang impormasyon bilang resulta ng kanilang pag-uusap ni Undersecretary Martin Diño na na­ngakong dadalhin ito sa lahat ng barangay sa buong bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy