Una sa Balita

PCL pinakamalaking Pinoy ‘think tank’

0 462

MAITUTURING na pinakamalaking­ ‘think tank’ o tangke ng matalinong pag-iisip ang Philippine Councilors League (PCL) na binubuo ng mahigit­ 17,000 konsehal ng lungsod at bayan-­bayan sa Pilipinas.

Ayon kay Bicol PCL chairman Jesciel Richard Salceda, dahil bahagi sila ng mga pamahalaang lokal sa buong bansa, ang PCL at mga kasapi nito ay isang malakas na puwersa.

Kung magagamit nang tama, ang mabisang ugnayan nito at ng pamahalaang nasyonal ay makakatulong nang malaki sa pagtugon sa mga usaping pang-ekonomiya, kahirapan at iba pang suliranin tungo sa makabuluhang pag-unlad.

Ani Salceda, may kakayanan ang mga konsehal upang tumulong sa pagsulong ng mga kinakailangang pagbabago sa Saligang Batas at lalong patibayin ang papel ng mga LGU sa kanilang pag-unlad.

Nasa ikatlong termino bilang konsehal ng Polangui, Albay at kinatawan ng lokal na liga nila sa Albay Provincial Board, tumatakbo ngayon si Salceda sa pagka-PCL national chairman sa gaganaping 11th National­ Congress ng PCL sa Pebrero 26-28 sa SMX MOA sa Pasay City.

Itutulak din niya ang pagsasabatas ng Mandanas Ruling ng Korte Suprema noong 2018 na nagbibigay sa mga LGU ng higit na malaking bahagi mula sa Internal Revenue Allotment (IRA) fund ng estado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More