Una sa Balita

PCL isusulong ang Mandanas ruling

0 588

MAKAKAASA ang mga pamahalaang lokal na magkaroon ng higit na matibay na pananalapi upang lalong maisulong ang pag-unlad nila kung magiging batas ang tinatawag na Mandanas ru­ling ng Korte Suprema.

Ayon sa Mandanas Ruling ang internal reve­nue allotments (IRA) o bahaging pondo ng mga LGU ay dapat batay sa kabuuang koleksiyong buwis ng pamahalaang pambansa, gaya ng isinasaad sa 1991 Local Government Code (LGC) at hindi lang nalikom na buwis ng BIR mula sa nasasakupan ng LGU, gaya ng dating ginagawa.

Sinabi ni Philippine Councilors League (PCL) Bicol Regional chair Jesciel Richard Salceda na kasalukuyang kumakampanya sa pagka-PCL national chairman na kung siya’y mananalo, isusulong niya na ma­ging batas o maipaloob sa Saligang Batas ang Mandanas ruling.

Sa ilalim ng Mandanas­ ruling, lolobo ang pondong batayan ng IRA sa P354 bilyon sa 2022; P382 bilyon sa 2023; P420 bilyon sa 2024; at P466 bilyon sa 2025. “Dapat maisabatas ang tiyak na hatian ng nasyunal at lokal na pamahalaan na masidhing ninanais ng mga LGU,” dagdag niya. Si Salceda ay pamangkin ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, na ngayon ay chairman ng House Ways and Means Committee.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More