Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PCG officer bayani sa lumubog na ferry

0 42

Kinilala ng International Maritime Organization (IMO) ang Boholono officer ng Philippine Coast Guard (PCG), dahil sa kanyang kabayanihan nang iligtas ang mga crew at pasahero ng lumulubog na barko kahit na off-duty na ito.

Tumanggap si Probationary Ensign Ralph Ofalla Barajan ng IMO 2020 Exceptional Bravery at Sea sa ginanap na virtual award kamakalawa.

Bukod sa kanyang pamilya, pinasalamatan din ni Barajan ang lahat ng tauhan ng PCG. Aniya, “It may take a lot of effort to maintain a safe and secured maritime environment but with patriotic, compassionate, and God-fearing coastguardians, one thing is certain, we will never fall short of brave men and women of the Philippine Coast Guard.”

Si Barajan ang unang Pinoy na tumanggap ng nasabing award, na isang taunang international recognition sa mga indibiduwal na nagpakita ng katapangan at isinusugal ang buhay para matiyak ang kaligtasan ng iba.

Isa siya sa mga survivor ng lumubog na MV Siargao Princess sa karagatan ng Sibonga, Cebu noong November 2019. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.