Una sa Balita

PCG magkakaroon ng sariling ospital

0 160

MAGKAKAROON na ng sari­ling hospital ang Philippine Coast Guard (PCG).

Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11372 para sa pagpapatayo ng hospital para sa mga personnel ng PCG, mga empleyado, mga dependent at retired uniformed personnel.

Ang hospital ay itatayo sa Coast Guard Base sa Lower Bicutan, Taguig City at tatawagin itong Philippine Coast Guard General Hospital.

Layon ng batas na matiyak na magkakaroon ng mura at dekalidad na health care ang mga personnel at empleyado ng PCG, kasama na ang kanilang mga dependent at mga retiradong miyembro.

Inaaatasan ng batas ang Department of Transportation (DOTr) na isama sa kanilang programa ang pagpopondo sa itatayong hospital para mapag­laanan ito sa pambansang budget sa susunod na taon.

“A hospital for the personnel and employees of the Phi­lippine Coast Guard, their dependents and the retired uniformed personnel is hereby established to be known as the Philippine Coast Guard General Hospital,” anang nakasaad sa bagong batas. ­(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy