Una sa Balita

PCCI ‘Business– Friendly City’ muling nasungkit ng Caloocan

By
0 34

Sa muling pagkakataon, ginawaran ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang Caloocan City sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan ng “Business-Friendly City” award.

Naging basehan ng bumubuo ng PCCI ang paggawad ng parangal kay Mayor Malapitan dahil sa husay nito sa pamumuno bilang ama ng lungsod at ang positibong pagtataguyod na madebelop ang lokal na ekonomiya sa Caloocan City.

Ang PCCI ay isang samahan ng mga matagumpay na negosyante sa kanilang lugar, saan malaking tulong sila sa pagpapaunlad ng lungsod dahil sa ibinabayad nilang buwis sa lokal na pamahalaan.

Pinasalamatan naman ng alkalde ang PCCI sa pagbibigay ng parangal at nangako ito na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang maayos na serbisyo publiko sa mga negosyante  sa Caloocan City.

Ayon pa sa local chief executive, magsisilbi itong inspirasyon sa kanyang mga kababayan para sa pagpapalago ng negosyo sa lungsod.

“Being one of the most business-friendly cities in the country shows how we value all investors  and how we strie in making the city more competitive for all businesses,” pahayag ni Mayor Malapitan.

Simula nang maupong mayor si Mayor Oca noong 2013, dumami ang investor sa Caloocan City  para magnegosyo.

Kasama ng alkalde na tumanggap ng award buhat sa PCCI ay sina City Admi­nistrator Engr. Olier Hernandez, Business  Permit and Licensing Office (BPLO) Chief Atty. Emmanuel Emilio Vergara, City Planning and Development Chief Ms. Aura Ciego at Local Economic and Investment Promotion Officer Atty. Jadee Sarmiento.