Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PBB audition dinagsa ng mga kalaban

0 222

Biglang-bigla ay nag-trending (#1 pa) ang #YesToABSCBNShutDown sa Twitter. Ang daming nagulat. Anyare?

Well, dahil `yon sa mga kapalmuks na sumigaw, humiling na ipasara ang Dos, na ngayon ay nakapila, naga-audition sa Pinoy Big Brother (via kumu), ha!

SM food to go Banner Ad

May mga resibo ngang nilabas ang mga netizen sa mga todo sigaw noon na isara ang Dos, na heto nga at nagpapasalamat at gusto palang sumali sa PBB. Kaya sigaw rin ng mga maka-Dos, tandaan ang pagmumukha, i-screengrab ang mga tweet nila noon, at huwag silang hayaang makapasok sa Bahay ni Kuya.

Sa tingin ng mga fan, puro mga DDS ang mga ito na interesado palang pumasok sa PBB.

Hindi ko na lang babanggitin ang mga pangalan ng mga ito, dahil baka sumikat pa, o baka sinadya nilang gawin para pag-usapan sila. Pero makikita sa iba’t ibang Facebook page ang mga larawan, video nila, at bantay-sarado sila ng mga fan ng Kapamilya. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.