Una sa Balita

PBA women’s league

0 339

Matagal ng panahon na pinagtutuunang pansin lang ng mga awtoridad sa basketbol sa ating bansa ang national men’s basketball team.

Tinawag pa nga silang Gilas Pilipinas o GP men o Gilas men.

Mayroon mang tinatanggap ang Gilas Pilipinas women, kakarampot lang talaga.

Pero sa pagwalis ng ating pambansang koponang kababaihan sa 5×5 at 3×3 basketball sa 30th Southeast Asian Games PH 2019 nitong Nobyembre 30-Disyembre 11 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, naparehasan nila ang nagawa ng kanilang male counterpart.

Unang gold medal natin ito sa 5×5 SEA Games sa loob ng 42 taon o sapul noong 1977. Una rin sa 3-on-3. Pero ngayon pa lang naging medal event ang 3×3 na kilala rin noong streetball.

Napakalaki ng mga ayuda ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) sa ating men’s squad sa antas ng lahat, kasama na ang pinansiyal. At katiting lang sa mga babae.

Ang mga Adan natin ay may sarili pang PBA league na taunan­ ay may tatlong conference – Philippine, Commissioner at ­Governors Cups.

Sariwa pa sa aking alaala na pinahayag ng pro league na magkakaroon din ng PBA women’s league. Pero hanggang ngayon ilang taon na ang nakararaan ay wala pa rin.

Marami na rin sa ating mga cagebelle na tapos ng kanilang pla­ying years sa National Collegiate Athletic Association(NCAA) , University Athletic Association of the Philippines (UAAP), Women’s­ NCAA (WNCAA) at iba pang collegiate league, mga nakatengga na lang.

Wala silang mapuntahan o mapagkakitaan para mabuhay nang marangal.

May mga small time women’s league man, ‘di naman balanse ang mga kompetisyon at parang mga kabute lang. Susulpot, maglalaho rin agad-agad
Sana sa narating na accomplishment ng Gilas Pilipinas women, mabigyan na rin sila ng sapat na suporta sa tunay na kahulugan ng salitang ito ng mga kinauukulan natin sa sports.

Paging Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez, Philippine Olympic Committee

President Abraham Tolentino, SBP President Alfredo Panlilio, at PBA Chairman Victorico Vargas at Commisio­ner Wilfrido Marcial.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More