Una sa Balita

PBA: WALANG AWA ANG BEER

By
Una-likod na bumagsak si Charles Rhodes ng San Miguel Beer, lumipad din sa ere si Marcio Lassiter (6) sa likod, habang nakaabang si June Mar Fajardo (15) sa gagawin ni Keith Wright ng Mahindra. Iniwan ng milya-milya ng Beermen ang Floodbuster bago itinagay ang 109-80 panalo.
0 3

Tuloy ang ragasa ng San Miguel Beer.

Sa likod ng season-high 26 points ni Alex Cabagnot, pinaglaruan ng Beermen ang Mahindra 109-80 para pahabain ang unbeaten streak sa apat sa PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome.

Tumapos si Charles Rhodes ng 20 points at 18 rebounds kahit iniupo na sa buong fourth quarter tulad ni Cabagnot.

Lumayo ng hanggang 34 points ang SMB bago kinumpleto ang unang panalo sa Floodbuster sa import-laced conference.

“Tumatak sa utak nila na they cannot take this team for granted, especially in this tournament na every win kailangan,” wika ni Beermen coach Leo Austria.

Hindi nakaiwas malaglag sa 1-6 ang Mahindra kahit nasa sidelines sa unang pagkakataon ngayong midseason conference si head coach Manny Pacquiao na pinanood ang pinakamasagwang talo ng koponan sapul nang tambakan ng 34 ng Star noong Feb. 1.

Pinangunahan ng 16 points at 12 rebounds ni Keith Wright ang Floodbuster.

Mainit ang Beermen mula opening quarter, nang lumayo sa 95-61 sa kaagahan ng fourth ay iniupo na ni Austria ang kanyang starters. Pinakamahabang pahinga sa bench si June Mar Fajardo na naging cheerer na lang sa last 34 minutes ng laro.

Malamang ay iniipon ni Austria ang enerhiya ng kanyang big man bago ang sagupaan nila ng defending champion Rain or Shine sa Sabado.

Naka-nine minutes lang sa loob si Fajardo, walang naipasok sa apat na attempts at ngayon lang tumapos na scoreless ang three-time MVP sapul noong 2013 edition ng parehong torneo.

Hindi na kinailangan ang produksiyon ni Fajardo na pinunan ng 18 points ni Marcio Lassiter at may 12 pa si Gabby Espinas.