Una sa Balita

PBA veteran tinakbuhan ang nabuntis na modelo

By
0 788

Nahaharap nga­yon sa malaking sakit ng ulo ang isang sikat na player ng Philippine Basketball Association. Kinasuhan kasi si PBA player ng naanakan niyang mo­delo na hindi umano sinusustentuhan para sa mga gastusin sa bata.

Matinik sa court si PBA player dahil sa kanyang bilis at husay, solo man at bilang team player, at marami siyang hinakot na parangal sa PBA kabilang ang madalas na pagpili sa kanya bilang ‘best player’. May isang laro na umiskor siya ng 40 puntos dahilan para tumatak siya nang husto sa liga, sa mga kapwa niya player, at siyempre sa mga fan.

Sumikat si PBA pla­yer kasunod ng pag-arangkada ng husay niya sa diskarte sa loob ng court at siyempre, gaya ng ibang PBA player noon at ngayon, nagmistulang ‘heartthrob’ ang tingin sa kanya ng mga babae. Dito na nagkrus ang landas ni player at ni modelo na artistahin at kilalang mukha sa isang sikat na casino hotel sa Metro Manila at umusbong ang ma­tamis nilang pagmamahalan na nagbunga ng anak.

Pero ipinagharap kamakailan ni modelo ng kasong paglabag sa Violence against Women & Children si player sa Pasay City Prosecutor’s office na nag-imbestiga sa mga bintang ng babae. Bintang ni modelo, hindi siya sinusuportahan ni player sa mga gastusin para sa kanilang anak at iniiwasan na silang dalawa, in short, inabandona na sila ni Mr. ‘40 points’.    

Pagkatapos ng preliminary investigation ay naglabas ng re­solusyon ang Pasay City Prosecutor’s office at inirekomendang sampahan si PBA player ng kasong economic violence, na siya palang demanda kapag pag-abandona sa sustento sa anak ang usapin.  

Ang PBA player na ipinatawag na ng Korte sa Pasay City para basahan ng demandang economic violence ay itago natin sa alyas na ‘Chico’.