Una sa Balita

PBA at UST great Danny Florencio, 70

By
0 2,421

NAMAYAPA na ang itinuturing na isa sa kamador ng Philippine Basketball Association, si Danny Florencio, Sabado sa San Francisco, California. Edad 70.

Si Florencio, na kilala sa bansag na ‘Daredevil Danny’ at orihinal na ‘Skywalker’ ay sumikat sa panahon ng kanyang collegiate, professional at national team ng karera dahil sa kanyang hang time moves at mid-range jumpers na nagmarka bilang isa sa top scorer ng basketball noong dekada ‘70.

Ang 5-foot-10 at ­da­ting UST King Goldie ay umanib sa koponan ng YCO at Crispa sa Manila Industrial and Commercial Athletic Association (MICAA) bago naging isang regu­lar sa U-Text na direktang sumampa sa PBA nang ipundar ang liga noong 1975.

Umimbulog ang kanyang popularidad sa PBA noong 1977 sa paglalaro pa rin niya sa original franchise ng 7-Up, tumumba ng 64 points kontra Toyota at nasustenang may pinakamaraming puntos sa local hanggang 1989.
Sa kahusayan, hinugot si Florencio ng To­yota sa sumunod na taon at naging ayuda ng ‘Big 3’ nina Mon Fernandez, Robert Jaworski at Francis Arnaiz.

Nagretiro taong 1983, si Florencio ay pinangalanang isa sa 40 Greatest Players sa kasaysayan ng PBA. Tinalaga sa PBA Hall of Fame taong 2007.