PBA: TNT KATROPA SA FINALS?

By

Lagay ng semis-1 best-of-7 series:
Lamang ang TNT KaTropa sa San Miguel, 3-2

Takbo ng race-to-4 win:
Game 1 noong Myerkules, Peb. 8: San Miguel 78, TNT KaTropa 74
Game 2 noong Byernes, Peb. 10: TNT KaTropa 87, San Miguel 85
Game 3 noong Linggo: TNT KaTropa 98, San Miguel 92
Game 4 noong Martes: San Miguel 97, TNT KaTropa 86
Game 5 noong Hwebes: TNT KaTropa 101, San Miguel 94

Game 6 ngayon:
(Mall of Asia Arena)
5:00 p.m. – San Miguel vs. TNT KaTropa     

Hindi na magpapatumpik-tumpik pa ang TNT KaTropa upang ibaon ang pang-apat at huling pako sa kabaong ng San Miguel para matapos ang kanilang PBA Philippine Cup best-of-7 semifinals-1 series ngayong ala-singko ng hapon sa Mall of Asia Arena.

Umabante sa pangalawang pagkakataon ang TNT sa duelo 3-2 nang lasingin ang SMB noong Hwebes 101-94 at mangailangan na lang ng isang panalo sa dalawa pang tsansa upang maitakda ang paghamon sa Finals sa mananalo sa semis-1 playoff ng Ginebra at Star.

“Our killer instinct must take over,” walang kagatul-gatol na deklarasyon kahapon ni Texters coach Nash Racela, na unang pumoste ng 2-1 edge sa nagiging mainitang serye na tinampukan ng mga multa at sagutan ng magkabilang kampo.

Namultahan si Racela ng P20,000 sa pahayag tapos ng Game 4 97-86 victory ng Beermen kung saan sinabi niyang nabigyan ng special treatment ito na hiningi nina Cris Ross at Marcio Lassiter sa mga referees.

Sinagot din si Racela ni San Miguel Corp. sports director Alfrancis Chua sa halftime ng Game 5 kamakalawa na giniit na nakakasira sa reputasyon ng pinakamatagumpay na team sa liga ang akusasyon gayung kapag sila ang natatalo ay tahimik lang sila.

Hinirit ni Chua na mag-coach na lang si Racela.

Muling sasandalan ng Texters ang mga bateranong sina Kelly Williams na tinikada ang walo sa huling 12 points ng kanyang kampo para makabentahe ulit. Tutuwang sa kanya sina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Ryan Reyes at Danny Seigle, at ang bagets na si Roger Pogoy.


Kailangang pagtrabahuhan lang talaga ng TNT lalo’t hindi na bago sa ganitong sitwasyon ang Beermen, na tungo sa second straight conference title ng kumperensyang ito noong isang taon ay nasingitan ang Alaska sa 4-3 at maging unang team na nakaahon sa 3-0 deficit.


SHARE