Una sa Balita

PBA Team Preview: NorthPort Batang Pier Bolick bomalabs pang makabalik

0 345

HINDI pumalya ang NorthPort Batang Pier sa playoffs ng nagdaang season, pinakamataas na placing ay No. 2 noong Commissioner’s Cup pero dalawang beses tinalo ng San Miguel Beer sa quarterfinal.

Pinakamalayo naman nilang narating ang semis ng Governors Cup pero pinataob ng Ginebra sa best-of-five.

Para makarating sa unang pagkakataon sa final four, nilusaw ng No. 8 Batang Pier ang twice-to-beat ng No. 1 NLEX – huli ang classic game na inabot ng three overtime.

Malaking bagay ang dating ni Christian Standhardinger sa NorthPort mula San Miguel sa kalagitnaan ng season-ending conference kaya nakapalaot ang team ni coach Pido Jarencio sa second round ng playoffs.

Pero sa unang laro ni Standhardinger sa NorthPort – kontra SMB pa – ay nagka-injury si rookie Robert Bolick, ang kamador ng team. Hindi na natapos ni Bolick ang season dahil sa ACL tear.

Hindi tinantanan ng injury bug ang Batang Pier. Si Bolick, posibleng hindi pa makalaro sa papasok na Philippine Cup na magpapasimula sa 45th season sa March 8 sa Smart Araneta Coliseum.

“Matagal pa si Bolick, mga July o August pa,” lahad ni Jarencio.

“Si Bolick wala, si (Jonathan) Grey wala. Si Bradwyn Guinto wala,” inisa-isa ni Jarencio ang kanyang injured players. “Si Christian (Standhardinger) is still hurting. Si Sean (Anthony) may calf injury.”

Isa lang ang rookie ng Batang Pier, si Sean Manganti na kinuha nila bilang 8th pick overall sa Draft noong December.

Pipigain niya rin sina Nico Elorde, Jervy Cruz, LA Revilla, Garvo Lanete, Paolo Taha, at ang balik-NorthPort mula San Miguel na si bruiser Kelly Nabong.

Babasagin ng Batang Pier ang kampanya sa March 11 kontra NLEX sa Big Dome. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More