Una sa Balita

PBA ‘Spider-Man’ nagpa-pizza sa mga preso

0 431

Nagsigawan ang mga inmate sa Quezon City Police District Station 7 nang bumalik si Paolo Felizarta, ang naka-Spider-Man costume na umeksena sa PBA, para dalawin ang kanyang mga naging kakosa.

Sa Facebook video na ipinost sa Kulatoy page, ipinakita ni Felizarta ang ilang box ng pizza, na kanya umanong ibibigay sa mga inmate ng nasabing police station.

Naging maganda raw kasi ang pakikitungo sa kanya ng mga nakapiit sa QCPD-Station 7 kaya’t bilang pasasalamat ay papakainin niya ang mga ito.
Suot pa rin ang Spider-Man costume, bumisita si Felizarta sa kulungan, nang makita ang mga inmate ay lumundag siya sa tuwa, ang mga nakakulong naman ay tila nakakita ng totoong superhero dahil sa naging hiyawan nang masulyapan si ‘Spider-Man’.

“Alam niyo naman nakulong ako. Babalikan lang natin ‘yung inmates ko dun siyempre kasi dadalhan natin sila nang pizza,” saad ni Felizarta.
Ilang linggo pa lang ang naka­kalipas nang mangyari ang pag-entra ni Felizarta sa PBA, nabangga pa si June Mar Fajardo sa Game 5 ng finals series sa pagitan ng Magnolia at San Miguel. Sinuntok din ni SMB veteran Ronald Tubid si Felizarta at dahil dito ay pinagmulta ng PBA si Tubid ng P75,000 at 3-game suspension.

Dahil sa insidente, naging ins­tant celebrity si Felizarta kahit na nakulong ito ng ilang araw sa panggugulo sa PBA championship game. (Ray Mark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy