Una sa Balita

PBA: Slaughter ni-reactivate ng Ginebra

By
0 2

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Co­liseum)
4:15 p.m. — SMB vs. Phoenix Petroleum
7:00 p.m. — Ginebra vs. GlobalPort
 
Ni-reactivate na ng top seed Brgy. Ginebra si center Greg Slaughter sa pakikidigma kontra No. 8 GlobalPort, upang makatiyak na makukuha nila sa isang girian lang ang paggapi sa Batang Pier at ora-oradang umabante sa Final Four, sa aksiyon ngayon ng PBA Commissioner’s Cup quarterfinals sa Araneta Coliseum.

Ngayong seven evening ang paghahamok ng eliminations topnotcher Ginebra na may twice-to-beat advantage sa GP sa Smart Araneta Coliseum tampok ang pagba­balik ni seven-foot center Slaughter mula sa ACL right knee surgery noong Setyembre.

Pinalit sa pagpasok niya si Jericho de Guzman na nilagay injured/reserved list ng Ginebra.

May gaya ring incentive ang second seed San 

Miguel Beer sa kasabungan sa 4:15 pm na no. 7 Phoenix Petroleum.

Tinapos noong Byernes ng Ginebra ang 11-game elims sa 9-2 win-loss record kabaraha ang SMB at ang nag-third na Star, pero nakuha ang top spot via superior quoent. Aktwal na nakahanay rin ng Petroleum sa 4-7 ang Global at Alaska.

“GlobalPort has the ability to make tought shots at big memoments and that makes them incredibly dangerous down the stretch of games,” anang sasalpok ang kampo na may four-game winning streak na si Tim Cone ukol kina Justin Harper, Terrence Romeo at Stanley Pringle.

Gaya naman ng Batang Pier sa Alaska, pipiliting makahatak nang may plano na ring Phoenix naa  mahatak sa extra game pa ang serye nila ng Beermen. Nasa three consecutive win ang San Miguel habang nasa back-to-back loss ang Phoenix.

“”We got a few suprises that we fell can work to our advantage,” ani Fuel Masters coach Ariel Vanguardia. “We cant let SMB dictate what they like to do.”